Maria Jamaica S. Columbres

1 Books

Si Maria Jamaica S. Columbres ay estudyante ng Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, manunulat ng ilang sanaysay, nobela, tula, maikling kuwento at maikling kuwentong pambata. Ginawaran siya ng ikatlong karangalan sa 68th Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Kabataan-Sanaysay sa akdang Gulugod sa Pagsibol ng Binhi, shortlisted sa Rene O. Villanueva Pagsulat ng Sanaysay 2021 sa akdang Mi Primavera: Ang Aking Tagsibol at wagi ng Normal Awards For Gender-Inclusive Literature 2021 para sa Nobelang Pangkabataan ang Nangangako ang Bukas.

Nagsimula siyang sumulat bilang mamamahayag sa balitang pampalakasan, tinanghal na Teodoro Valencia NCR's Most Outstanding Campus Journalist 2018, Most Outstanding Campus Journalist of Albay 2016 at nanalo nang dalawang beses sa National Schools Press Conference Conference. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang freelance writer. Ang kaniyang mga akdang pampanitikan ay kadalasang pumapaksa sa Sikolohiya, Politika, Peminismo at Kasarian.

Interviews

All Maria Jamaica S. Columbres's Books

View Another Authors