Jay-Jay Destro

2 Books

Si Jay-jay Destro ay nagsimulang magsulat ng mga istorya sa Wattpad noong 2018 kung saan natutunan niyang bigyang-pansin ang mga bagay na makatutulong sa kaniya upang subukan ang sarili sa iba't ibang larangan. Siya ay kasalukuyang Grade 12 STEM student sa probinsya ng Batangas.

Sa edad na 14 taong gulang ay nakabuo na siya ng isang buong nobela na nagsilbing daan upang ipagpatuloy niya ang pagsusulat sa Facebook noong 2020 kung saan nakakilala siya ng mga kaibigang naging isa sa kaniyang mga inspirasyon.

Hilig niyang magbasa ng mga self-help books, manood ng mga documentaries at makinig ng mga awitin ni Taylor Swift na madalas niyang paghugutan ng mga emosyon. Bukod sa kagustuhan niyang magsulat ay nabuksan rin ang kaniyang isipan na makinig sa istorya ng bawat tao upang maibahagi ang inspirasyong nabubuo mula sa mga ito.

Interviews

All Jay-Jay Destro's Books

View Another Authors