Miko Akihiro

4 Books

Si Miko Akihiro ay sagisag-panulat ni Mark Aldeme D. Siladan, isang guro sa senior high school sa isang pampublikong paaralan sa lalawigan ng Antique, Pilipinas. Mahilig siyang magsulat ng mga tula at prosa. Nakapaglathala na rin siya ng mga akda sa mga aklat at magazine. Mahilig din siyang umawit at maglapat ng tinig sa voiceover at dubbing challenges sa TikTok.

Umaalab ang kaniyang puso sa pagsulat at nais niyang ibahagi ang kaniyang mga akda sa daigdig; kung maaari, maging sa kalawakan. Ang “May Tula Para Sa Iyo” ay una niyang aklat at koleksiyon ng mga tula na inilathala ng Ukiyoto Publishing.

Maaari ninyo siyang sundan sa kaniyang social media accounts: Makoy Siladan (Facebook account), Miko Akihiro (Facebook page and Wattpad), YT Channel ni Makoy (YouTube), Tiktok ni Makoy (TikTok), meetthewriteguy (Instagram).

Interviews

All Miko Akihiro's Books

View Another Authors